Marahil ay narinig nyo na ang salawikaing “kapag may tiyaga, may nilaga.” Ganito ang naging istorya ng buhay ni Apple Mercado, taga-Calamba, Laguna. Ayon kay Apple, sinumulan niyang magbenta ng french fries, fishball, kwek-kwek, at siomai noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang. Sipag, tiyaga at passion sa pagnenegosyo ang dahilan kung bakit siya nagpatuloy dito.

Mula sa pagpundar ng isang maliit na food cart, siya ngayo’y may-ari na ng isang kilalang milk tea shop sa Laguna.

Bajaj Three-Wheeler, katuwang sa pagyaman ng dating nagtitinda ng fishball image

Likas na malikhain, in-upgrade ni Apple ang noo’y pangkaraniwang ice scramble at doon na nagsimulang lumago ang kanyang negosyo. Ang ice scramble ay sikat na pampalamig na minatamis na dinurog na yelo na hinahaluan ng iba’t ibang flavoring. Patok ito sa mga bata lalo na tuwing mag-uuwian galing eskwela.

Mula packaging, timpla, at online promotion ay kinareer at talagang pinag-isipan. Ngunit ang naka-agaw ng pansin ng mga parokyano ay ang inobasyon sa pagdistribute o pagbebenta nito, kung noo’y inilalako ito gamit ang bisikleta, ngayo’y sa isang rolling store na gawa sa Bajaj Maxima Cargo. Patok na patok ang customized na Bajaj Maxima Cargo rolling store sa mga customers na pinangalanan pang Queen Scrambie rolling store.

Mas malaki ang body ng Bajaj Maxima Cargo at malakas ang hatak ng 236.2cc na makina nito. Mas tipid sa gas dahil ito ay fuel-injected, available din mula sa 800+ dealer stores at abot kamay na serbisyo mula sa 700+ parts and service shops. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katangiang nabanggit nang tanungin si Apple kung bakit Bajaj Maxima Cargo ang kanyang napili bilang kaagapay sa hanap-buhay.

Bajaj Three-Wheeler, katuwang sa pagyaman ng dating nagtitinda ng fishball image

Sa loob ng kalahating buwan o 16 days, ay may balik-puhunan na sa Bajaj Maxima Cargo rolling store ang CM Ice Scramble dahil pumapalo ng halos PhP 25,000.00 ang kinikita nito kada araw, mula sa kapital na PhP 400,000.00.

Makikitang maliban sa sipag, tiyaga at passion, kinakailangan din ng isang negosyante ang mabisang solusyon gaya ng Bajaj Maxima Cargo na magdadala ng innovation sa kanyang hanap-buhay.

Isang pahayag ang iniwan ni Apple para sa mga nagbabalak magsimula ng kani-kanilang negosyo: “Tulad ko, kaya ka ring kargahin ng Bajaj Maxima Cargo tungo sa pag-asenso”.

Nais mo bang simulan na ang iyong negosyo? Bisitahin ang www.bajaj.com.ph o kaya’y mag-inquire sa fb.com/BajajPhilippines.